Showing posts with label house husband. Show all posts
Showing posts with label house husband. Show all posts

Friday, June 13, 2008

My House Husband... Happy father's day Baby Daddy!


Reposting my blog about daddy Franz... There's more stories to tell but I guess this is enough for now. Many words and stories could be told but one thing is sure, he loves us dearly and we love him as much too. Translation to follow...
_______________________________

As much as possible I don't wanna talk as long as people don't ask me why... but I have my own emotions of course. I keep it to myself though I must admit I divulge it to some people I trust the most.

Aside from my family and my husband's family, only a few friends knows...

This evening he asked me of writing a blog about him...napag-usapan kasi namin ang isang mag-asawang hindi naman na kaiba sa lahat. Syempre, sa lipunang ito e uso pa rin ang machismo, hindi pa rin pantay ang pagtingin sa babae at lalaki which I advocate to change someday...or maybe I have started implementing what I know is just OK.

Ganito kasi yun... nanganak ako dito lang sa ospital malapit sa aming bahay dito sa Pacita pero ang kasama kong pumunta sa hospital (as in nakaya ko pong maglakad pa at sumakay ng trike...) ay pamangkin ni Franz, my hubby. Then, binantayan ako ni Engineer Nina Magsino (binanggit talga hehehe) who was my housemate noon sa UP Bliss. Ni hindi nakalip si Daddy sa ospital. ... kainis pa kasi when my water broke, ginising ko siya and told him na pupunta na akong ospital coz its time... sagot ba naman "timpla mo muna akong kape." wow! (bagong gising...mas ok nga naman sa lasing na nabibigla...)

Everytime na umuuwi akong Pangasinan, kami lang ng anak ko ang nakakauwi with all the bags and pasalubong....kaya nga supermom e hehehe

April 2004, graduation ko na sa Unibersidad ng Pilipinas. Of course, proud ang lahat kaya naman isang van ang dumating galing sa probinsiya, pati tatay kong minsan lang magpakita e hindi pinalagpas ang pagkakataon masilayan ang pagtatapos ng kanyang pinakapanganay na anak. (I hope I am not sounding like Bob Ong...pero ok lang, ganyan talga ang nagbabasa at nangongolekta hehehe) Masaya naman kaming lahat that time, kasama ko din si Keiichi baby ko at s-um-ide trip pa kami sa Megamall.

November 2004, Oathtaking ko naman sa CCP bilang isang lisensyadong guro...mag-isa lang po ako...

It hurts na wala ang asawa ko for those moments and more events na madalas kami lang ng anak ko ang nakakasaksi. He would just be looking at the pictures and listen to his kid's and wife's account of what happened. Is he contented? I know he is not.... if its painful for me and my kid, its more painful for him.

Sabihin na nating di nga niya ako masamahan sa mga ganyang events, wala siya na magbubuhat sa mga bagahe ko o susundo sa akin kapag ginagabi ako... kasi pilay siya (he had contracted polio when he was barely two years old) but i'll never think twice having him as my husband and my kid's dad...

I was still attending UP Diliman when I gave birth to Keiichi on October 9. 2002. I did not stop schooling and took the exams for that sem a week after I gave birth. Then I enrolled the following semester... Who took care of Keiichi? It was her dad and he is still taking care of her until now.

Wag nang sabihing genes lang ang dahilan ng kabibuhan ng anak ko, kasi EQ na ang usapan ngayon hindi IQ. Siguro kung ibang tao ang nagpalaki sa anak ko, hindi siya ganito ngayon - isang batang matalino at may "compassion" sa ibang tao.

Never pa akong nasaktan physically, unlike the woman I love the most who was slapped infront of me and my brother. Franz is grumpy at times but I do understand coz im also insensitive, madalas...

Hindi ako naghahanap ng asawang lasing o nag-aalala kung saang beerhouse na nakarating, sabi yan ng kaibigan ko na dapat kong ipagpasalamat. I am thankful kasi naranasan kong sumundo ng lolong lasing at humabol sa papa ko ng isang kilometro dahil ayaw akong isama sa lakad nila ng kanyang barkada.

Hindi nga nagagawa ng asawa ko ang magbuhat ng bag ko, sumundo sa akin sa labas, o di kaya'y maglinis, maglaba, magluto o umakyat sa bubong...at least me reason na pilay siya,. kesa naman sa ibang daig pa ang baldado na iniaasa lahat sa kanilang mga asawa ang trabaho sa bahay.

Eh ano kung pilay siya? at least he knows what he can do and d it gladly... kesa nga naman sa asawang sakit sa ulo at puso (n)... joke!


Anthology of House Husband

Here's for my uncles who set my standard in choosing my partner. I'm sorry but cannot translate it for now because I am kinda busy. Love you uncles, thanks for being my father...Especially to Tatay who was the role-model of how to be a good dad.

Sabi ng iba, mataas daw ang standard ko ng love, masyadong idealistic. Yun bang you'll fully commit, di naman yung ilaladlad mo ang buhay mo pero yung maging honest ka kapag me tinatanong ka and you're willing to bare your heart, most of your pains and joys and you're willing to show me the child in you. Marunong naman akong tumanggap at umintindi ng kahit na ano, kaya nga kahit extreme personality e nakakaya kong pakisamahan. It's just that I hate purely superficials and most especially plastic.

Wala namang prob sa hubby ko coz I've seen him naked (literally and figuratively) but my friend asked me to elaborate further why I am like this.

I am lucky I guess kasi di ako kagaya ng ibang asawa na sumusundo, naghahanap o naghahatid ng lasing na asawa. I am not yet beaten (sana nga hindi mangyari kundi goodbye agad hekhekhek) and he really take time taking care of our Keiichi which I never experienced from Papa.

Kwento sa akin, natiis daw nila ang pambabae ng mga asawa nila pati ang iba nilang bisyo. Masaya at proud na sila kasi nakapagtiis sila at immune na sila sa sakit ng naghihintay sa taong ewan kung kelan uuwi. I cannot refute kung yan ang paniniwala nila pero I want the whole world to know, na habang ang ibang babae e nag-iisip na pare-pareho ang mga lalaki na kung hindi barkada, inuman o pambabae ang inaatupag e me mga LALAKI pa naman na hindi ganun.

Kahit pa ang papa ko e ganun na nga, kakaiba ang mga lalaki sa pamilya ng mama ko. Ang lolo ko, nabuhay at namatay ng wala akong naalalang napaugnay sa kanyang ibang babae maliban sa lola ko. Siya din ang nagluluto, nag-aalaga sa amin madalas pag wala sa bukid at hindi din niya sinaktan kahit minsan ang lola ko. Ang mga tito ko naman, ok lang sa kanila ang maglaba at wala din akong nabalitaan na napaugnay sa kanilang babae. Puro sila matiisin at higit sa lahat, responsable.

Yung isa kong tito, asawa ng kapatid ng mama ko. nung una e pinagtawanan ng mga kasamahan kasi siya lang daw ang walang ka-table. Ilang beses yun naulit pero wala talagang appeal sa kanya ang mga babae dun kasi tapos na daw siya sa gawaing ganun. HIndi namin malalaman ang insidenteng yun kung di kinuwento ng mga kasamahan niya na proud na proud sa kanya.

Minsan nakakaawa din ang isa kong Tito kasi kahit m-f ang kanyang trabaho sa DPWH Region 1 e naglalaba pa yan ng Sabado at nag-aalaga pag Linggo. Sabi niya, pagod na daw ang asawa nya sa pag-aalaga sa nga anak nila ng m-f kaya siya naman ang magtrabaho sa bahay habang andun siya. galing di ba? super husband hehehe

Yung isa naman, (ito na ang kulang sa akin...) ung panganay nina mama e mabait din. katunayan siya pa lang ang tito kong isinama kami ng kapatid ko para manood ng Batang X sa Urdaneta (CSI ata hehehe basta bata pa ako noon). Wa siya paki kahit siya ang nagiging nanay at tatay sa anak niya habang nasa ibang bansa ang asawa at siya ay nakabakasyon dito. Madalas pag me niluluto ang asawa niya noong andito pa at lalo na ngayon andito na sila, tatawagin kami at papatikimin ng mga cakes, etc sabay buong pagmamalaking sasabihin na "luto ng auntie niyo yan". sweat este sweet di ba? la lang, sana ganun din kayo sa kin hehehehe pero no kidding, ang story nila e talgang "for richer or poorer,in sickness or in health hehehe

You really cannot blame me kung iba ang pagtingin ko sa mga bagay kasi yung normal sa iba e kakaiba na for me. Some husbands would shout at their wives when they need something pero di yun dapat gawing habit. Sa family namin, bukod sa mataas ang pagtingin at pagpapahalaga nila sa mga babae, they also see to it that they get what is due to them - not just those things money can buy but love and respect due for every woman who is a mother, an aunt, a neice or a daughter.

Mababait nga siguro ang lolo at tito ko pero if they can be faithful with their wives, why not others do it too? di ako naniniwala kay Dolphy a basta't inuuwian ka pa ng aswa mo ikaw pa ang mahal niya. Kung ganun din lang, letcheng pagmamahal yan...ipakain mo nalang sa aso kasama ng b*rat mo!

Maswerte nga ako dahil di lang ako basta inanakan kundi inaalagaan din ang anak ko. at least, those things I did not experience from papa e ginagawa ni daddy kay keiichi. Kahit ganun na lang, wag na ako .... pero I'm still lucky coz my house husband is trustwothy enough...palit pa kami ng sim card hehehe