Friday, June 13, 2008

Anthology of House Husband

Here's for my uncles who set my standard in choosing my partner. I'm sorry but cannot translate it for now because I am kinda busy. Love you uncles, thanks for being my father...Especially to Tatay who was the role-model of how to be a good dad.

Sabi ng iba, mataas daw ang standard ko ng love, masyadong idealistic. Yun bang you'll fully commit, di naman yung ilaladlad mo ang buhay mo pero yung maging honest ka kapag me tinatanong ka and you're willing to bare your heart, most of your pains and joys and you're willing to show me the child in you. Marunong naman akong tumanggap at umintindi ng kahit na ano, kaya nga kahit extreme personality e nakakaya kong pakisamahan. It's just that I hate purely superficials and most especially plastic.

Wala namang prob sa hubby ko coz I've seen him naked (literally and figuratively) but my friend asked me to elaborate further why I am like this.

I am lucky I guess kasi di ako kagaya ng ibang asawa na sumusundo, naghahanap o naghahatid ng lasing na asawa. I am not yet beaten (sana nga hindi mangyari kundi goodbye agad hekhekhek) and he really take time taking care of our Keiichi which I never experienced from Papa.

Kwento sa akin, natiis daw nila ang pambabae ng mga asawa nila pati ang iba nilang bisyo. Masaya at proud na sila kasi nakapagtiis sila at immune na sila sa sakit ng naghihintay sa taong ewan kung kelan uuwi. I cannot refute kung yan ang paniniwala nila pero I want the whole world to know, na habang ang ibang babae e nag-iisip na pare-pareho ang mga lalaki na kung hindi barkada, inuman o pambabae ang inaatupag e me mga LALAKI pa naman na hindi ganun.

Kahit pa ang papa ko e ganun na nga, kakaiba ang mga lalaki sa pamilya ng mama ko. Ang lolo ko, nabuhay at namatay ng wala akong naalalang napaugnay sa kanyang ibang babae maliban sa lola ko. Siya din ang nagluluto, nag-aalaga sa amin madalas pag wala sa bukid at hindi din niya sinaktan kahit minsan ang lola ko. Ang mga tito ko naman, ok lang sa kanila ang maglaba at wala din akong nabalitaan na napaugnay sa kanilang babae. Puro sila matiisin at higit sa lahat, responsable.

Yung isa kong tito, asawa ng kapatid ng mama ko. nung una e pinagtawanan ng mga kasamahan kasi siya lang daw ang walang ka-table. Ilang beses yun naulit pero wala talagang appeal sa kanya ang mga babae dun kasi tapos na daw siya sa gawaing ganun. HIndi namin malalaman ang insidenteng yun kung di kinuwento ng mga kasamahan niya na proud na proud sa kanya.

Minsan nakakaawa din ang isa kong Tito kasi kahit m-f ang kanyang trabaho sa DPWH Region 1 e naglalaba pa yan ng Sabado at nag-aalaga pag Linggo. Sabi niya, pagod na daw ang asawa nya sa pag-aalaga sa nga anak nila ng m-f kaya siya naman ang magtrabaho sa bahay habang andun siya. galing di ba? super husband hehehe

Yung isa naman, (ito na ang kulang sa akin...) ung panganay nina mama e mabait din. katunayan siya pa lang ang tito kong isinama kami ng kapatid ko para manood ng Batang X sa Urdaneta (CSI ata hehehe basta bata pa ako noon). Wa siya paki kahit siya ang nagiging nanay at tatay sa anak niya habang nasa ibang bansa ang asawa at siya ay nakabakasyon dito. Madalas pag me niluluto ang asawa niya noong andito pa at lalo na ngayon andito na sila, tatawagin kami at papatikimin ng mga cakes, etc sabay buong pagmamalaking sasabihin na "luto ng auntie niyo yan". sweat este sweet di ba? la lang, sana ganun din kayo sa kin hehehehe pero no kidding, ang story nila e talgang "for richer or poorer,in sickness or in health hehehe

You really cannot blame me kung iba ang pagtingin ko sa mga bagay kasi yung normal sa iba e kakaiba na for me. Some husbands would shout at their wives when they need something pero di yun dapat gawing habit. Sa family namin, bukod sa mataas ang pagtingin at pagpapahalaga nila sa mga babae, they also see to it that they get what is due to them - not just those things money can buy but love and respect due for every woman who is a mother, an aunt, a neice or a daughter.

Mababait nga siguro ang lolo at tito ko pero if they can be faithful with their wives, why not others do it too? di ako naniniwala kay Dolphy a basta't inuuwian ka pa ng aswa mo ikaw pa ang mahal niya. Kung ganun din lang, letcheng pagmamahal yan...ipakain mo nalang sa aso kasama ng b*rat mo!

Maswerte nga ako dahil di lang ako basta inanakan kundi inaalagaan din ang anak ko. at least, those things I did not experience from papa e ginagawa ni daddy kay keiichi. Kahit ganun na lang, wag na ako .... pero I'm still lucky coz my house husband is trustwothy enough...palit pa kami ng sim card hehehe

No comments: