Friday, June 13, 2008

My House Husband... Happy father's day Baby Daddy!


Reposting my blog about daddy Franz... There's more stories to tell but I guess this is enough for now. Many words and stories could be told but one thing is sure, he loves us dearly and we love him as much too. Translation to follow...
_______________________________

As much as possible I don't wanna talk as long as people don't ask me why... but I have my own emotions of course. I keep it to myself though I must admit I divulge it to some people I trust the most.

Aside from my family and my husband's family, only a few friends knows...

This evening he asked me of writing a blog about him...napag-usapan kasi namin ang isang mag-asawang hindi naman na kaiba sa lahat. Syempre, sa lipunang ito e uso pa rin ang machismo, hindi pa rin pantay ang pagtingin sa babae at lalaki which I advocate to change someday...or maybe I have started implementing what I know is just OK.

Ganito kasi yun... nanganak ako dito lang sa ospital malapit sa aming bahay dito sa Pacita pero ang kasama kong pumunta sa hospital (as in nakaya ko pong maglakad pa at sumakay ng trike...) ay pamangkin ni Franz, my hubby. Then, binantayan ako ni Engineer Nina Magsino (binanggit talga hehehe) who was my housemate noon sa UP Bliss. Ni hindi nakalip si Daddy sa ospital. ... kainis pa kasi when my water broke, ginising ko siya and told him na pupunta na akong ospital coz its time... sagot ba naman "timpla mo muna akong kape." wow! (bagong gising...mas ok nga naman sa lasing na nabibigla...)

Everytime na umuuwi akong Pangasinan, kami lang ng anak ko ang nakakauwi with all the bags and pasalubong....kaya nga supermom e hehehe

April 2004, graduation ko na sa Unibersidad ng Pilipinas. Of course, proud ang lahat kaya naman isang van ang dumating galing sa probinsiya, pati tatay kong minsan lang magpakita e hindi pinalagpas ang pagkakataon masilayan ang pagtatapos ng kanyang pinakapanganay na anak. (I hope I am not sounding like Bob Ong...pero ok lang, ganyan talga ang nagbabasa at nangongolekta hehehe) Masaya naman kaming lahat that time, kasama ko din si Keiichi baby ko at s-um-ide trip pa kami sa Megamall.

November 2004, Oathtaking ko naman sa CCP bilang isang lisensyadong guro...mag-isa lang po ako...

It hurts na wala ang asawa ko for those moments and more events na madalas kami lang ng anak ko ang nakakasaksi. He would just be looking at the pictures and listen to his kid's and wife's account of what happened. Is he contented? I know he is not.... if its painful for me and my kid, its more painful for him.

Sabihin na nating di nga niya ako masamahan sa mga ganyang events, wala siya na magbubuhat sa mga bagahe ko o susundo sa akin kapag ginagabi ako... kasi pilay siya (he had contracted polio when he was barely two years old) but i'll never think twice having him as my husband and my kid's dad...

I was still attending UP Diliman when I gave birth to Keiichi on October 9. 2002. I did not stop schooling and took the exams for that sem a week after I gave birth. Then I enrolled the following semester... Who took care of Keiichi? It was her dad and he is still taking care of her until now.

Wag nang sabihing genes lang ang dahilan ng kabibuhan ng anak ko, kasi EQ na ang usapan ngayon hindi IQ. Siguro kung ibang tao ang nagpalaki sa anak ko, hindi siya ganito ngayon - isang batang matalino at may "compassion" sa ibang tao.

Never pa akong nasaktan physically, unlike the woman I love the most who was slapped infront of me and my brother. Franz is grumpy at times but I do understand coz im also insensitive, madalas...

Hindi ako naghahanap ng asawang lasing o nag-aalala kung saang beerhouse na nakarating, sabi yan ng kaibigan ko na dapat kong ipagpasalamat. I am thankful kasi naranasan kong sumundo ng lolong lasing at humabol sa papa ko ng isang kilometro dahil ayaw akong isama sa lakad nila ng kanyang barkada.

Hindi nga nagagawa ng asawa ko ang magbuhat ng bag ko, sumundo sa akin sa labas, o di kaya'y maglinis, maglaba, magluto o umakyat sa bubong...at least me reason na pilay siya,. kesa naman sa ibang daig pa ang baldado na iniaasa lahat sa kanilang mga asawa ang trabaho sa bahay.

Eh ano kung pilay siya? at least he knows what he can do and d it gladly... kesa nga naman sa asawang sakit sa ulo at puso (n)... joke!


No comments: